Monday, September 7, 2009

Happy Birthday Ma!


Whew! Birthday mo ulet Mama Mary, hehehe..! Alam ko naman na imbes ikaw ung bigyan namin ng gift, kayo ang nagbibigay! Iba ka talagang nanay!

Sana... katulad mo mama ko...

Alam mo ba Mama Mary... sabik akong makita sila pero natatakot ako.. Rejections ang mga natanggap ko noon pa at natatakot ako na baka yun pa rin ang mangyari.

Hindi nila alam, kahit minsan stiff ako sa kanila, sa totoo lang, napapaiyak na lang ako sa pagka miss nila. Mahal na mahal ko sila. :(

Alam mo bang, wildest dream ko na makasama sila? Yung parang, kapag nangyari yun, pwede na ako kunin ni Lord God.

Minsan, iniimagine ko nalang ang sarili ko eating with them. Yung kumpleto kami.

Mama Mary... masama ba talaga akong tao? Hindi ba ako naging mabuting bata?

Feeling ko kasi salot talaga ako. Tama ang nanay... salot ako!

Sorry talaga Mama Mary sa mga nagawa kong di kaaya-aya ah. Pasensya na.. bata kasi! :) Basta... hiling ko lang na sana merong magandang mangyari sa kaarawan ko.

Mahal na mahal ko kayo Mama Mary at ni Lord God at ni Jesus at Joseph of course. Maraming salamat. Hanggang sa muli.



-toffy-

Kimi Dora: Kambal sa Kiyeme


I just watched this very funny star-studded na movie na ito, starred by my favorite comedienne Eugene Domingo.

This story is all about twins who attitudes are quite different.

Kimmy is the one who is so sushal at matalino. Ito namang si Dora ay ang medyo may pagka trisomy 21 but in fairness mabait.

Naloka ang lola nyo kasama ang kanyang friend na nanuod nito.

And in fairness to her, she has the potential becoming the Queen of Comedy, of course idol ko din si Ai-ai but there is something na meron si Eugene na hindi ko nakikita kay Ai-ai.

Ewan ko ba. Di ko din matanto kung ano ang meron sa babaeng ito. Mapa drama man o comedy natutuwa ako everytime nagpeperform sya. The best talaga.

Akala ko nga magiging flop itong pelikulang ito kasi first ever major role ng lola mong si Eugene, pero nagulat ang lola nyo, box office ito.

Star-studded, kasi nandun si Piolo Pascual, Vhong Navarro, Erik Santos, Zanjoe Marudo as love interest ni Kimmy at si Dingdong Dantes na love interest naman ng lola mong si Dora.

Infairness din sa production. Talagang pinaghandaan. Talagang bongga. Talagang mahal ang venue. Love it.

Sana magkaroon pa at patuloy na dadami pa ang mga pelikula ni Eugene Dominggo.

She really is one of a kind. ;)