Monday, November 30, 2009

MELASON Fever is on!

Nakakaloka na talaga ang Melason na loveteam.

Kinilig talaga ako at mangiyak iyak nung umiyak si Jason nung sinabi ni Melisa na namimiss na xa. Sa tingin ko lang ha, kung hindi din ako nagkakamali... May GUSTO na din si Jason kay Melai. Waaaaaaaaaah!

Napatili ang lola nyo... :D

Grabe talaga ang episode kagabi...

Kung meron good side... may bad side din... NAWALA na talaga si Cathy sa mundo....

Nakakaloka ang lola mo... nakikipaglandian sa HOUSE B original na si Hermes...

Now I know kung bakit natuwa sya nung pumasok sya sa hB kasi gusto nya din si Hermes na alam naman nyang malandi... lol

ahahaha.. yan na muna... babu na ang da whoo! XD

Wednesday, November 25, 2009

Pinoy Big Brother: Double Up (Melason Fever!)


Nakakaloka din tong bagyong dumating sa buhay ng mga tao sa Pinoy Big Brother! Biruin nyo? Pinagpalit yung mga babae sa House A sa House B. Kaloka!

Nawindang ako nung inannounce ito ni kuya dahil nga magkakahiwalay na sina Melisa and Jason na sa totoo lang sila lang ang inaabangan ko, feel ko din sa inyo din.... noh? aminin! XD

Kakatuwa talaga itong mag love team na ito, pero nung nagswap na... aguy! umeksena ang lola mong si Mariel... kainis! Well... proof...

Huhuhuhu! pinakita mo pa si Dengue Jason... Grrrrr...

Naintindihan ko din si Kuya kung bakit nya sinwap yung mga babae. Nakita ng buong madlang people ang mga tunay na karakter ng mga tao sa loob. Napatunayan nga na flirt ang mga babae sa house b originals. Samantalang mga plastik naman ang mga lalaki sa house b originals.

Now we know kung sino ang dapat paniwalaan...

In my own observation... Sina Rica lang at Melai ang maaasahan.

Si Cathy, ewan ko ba, nakatungtong lang sa Finland.. Lumaki agad ang ulo.

Si Carol, she's just playing the game daw while in House A, well in fact, wala din syang kwenta pag dating sa House B.

Maliban sa 2 babae sa House A Originals, wala akong masabi sa House A, lalong lalo na ang mga lalaki. Sport na mga gwapo pa.

Di kagaya ni Rob, naisip nya dapat na naging magkaibigan din sila ng mga tao sa House A originals before sya napunta sa mala impyernong House B. Sabi nya daw na naging mas happy sya sa House B, kasi mga kauri nya yung mga nakatira dun. Freak!

Di kagayang Hermes, kulang nalang lahat patulan... Super Flirt... Pambansang Flirt ng Pilipinas...

Di kagaya ni Rocky... Ke bago bago, ang conceited ng taong to.. kala mo kung sinong gwapo. Sheman pala ah..!

Di kagaya ng inakala kong mabait na lalaki sa House B, demonyo din pala. Siya pa naman tong nakatatanda sa lahat. Sya pa ang naunang magdemean ng mga babae sa House A Originals na kasama nila ngayon. Kawawa naman sina Rica at Melai na laging pinupunterya nya...

Grrrr...

Hanggang sa susunod...