Tuesday, September 22, 2009

Spring Waltz vs. Cyberworld

Whew! Mahigit dalawang linggo din akong nawala sa cyberworld na to. Potek! 4 days in a row hindi ako mapakali kasi dahil gusto kong mag FB.

Namiss ko sobra ang cyberworld, kung saan napapahayag ko lahat ng mga saloobin ko. Grabe, nanghina ako... pero in fairness, mga 6 days onwards, nakalimutan ko ang cyberworld at tinuon ang mundo sa koreanovela sa studio 23.

I am really not a fan of korean dramas pero infairness dito sa story na ito, nakakarelate ako. lol

Ang haba talaga ng hair mo Arianne (girlaloo sa photo) pinag aagawan sya ng dalawang kalalakihan, nakakaloka.

Gusto ko na sanang mapanuod ng tuloy tuloy, pero sira ung tv ko, hindi makabitan ng dvd. grrrr...

Well anyways, hintay nalang ang lola mo every 12 noon sa studio 23. At excited na din ako sa mga palabas like PBB. ahehehehe...