Tuesday, December 8, 2009

Another outstanding movie: 200 Pound Beauty!!!

Someone told me to watch this Korean movie called 200 Pound Beauty. I was curious because of the title and i think maybe i can relate to the movie.

Actually, after a series of searches, wooolah.. i was able to watch the movie...

I was bored on the first part but when i'm starting concentrating reading the subtitles, it made me realize that it is interesting and really... I cried on the last part of the movie where she have to tell everybody who she really are.

Bravo!

Monday, November 30, 2009

MELASON Fever is on!

Nakakaloka na talaga ang Melason na loveteam.

Kinilig talaga ako at mangiyak iyak nung umiyak si Jason nung sinabi ni Melisa na namimiss na xa. Sa tingin ko lang ha, kung hindi din ako nagkakamali... May GUSTO na din si Jason kay Melai. Waaaaaaaaaah!

Napatili ang lola nyo... :D

Grabe talaga ang episode kagabi...

Kung meron good side... may bad side din... NAWALA na talaga si Cathy sa mundo....

Nakakaloka ang lola mo... nakikipaglandian sa HOUSE B original na si Hermes...

Now I know kung bakit natuwa sya nung pumasok sya sa hB kasi gusto nya din si Hermes na alam naman nyang malandi... lol

ahahaha.. yan na muna... babu na ang da whoo! XD

Wednesday, November 25, 2009

Pinoy Big Brother: Double Up (Melason Fever!)


Nakakaloka din tong bagyong dumating sa buhay ng mga tao sa Pinoy Big Brother! Biruin nyo? Pinagpalit yung mga babae sa House A sa House B. Kaloka!

Nawindang ako nung inannounce ito ni kuya dahil nga magkakahiwalay na sina Melisa and Jason na sa totoo lang sila lang ang inaabangan ko, feel ko din sa inyo din.... noh? aminin! XD

Kakatuwa talaga itong mag love team na ito, pero nung nagswap na... aguy! umeksena ang lola mong si Mariel... kainis! Well... proof...

Huhuhuhu! pinakita mo pa si Dengue Jason... Grrrrr...

Naintindihan ko din si Kuya kung bakit nya sinwap yung mga babae. Nakita ng buong madlang people ang mga tunay na karakter ng mga tao sa loob. Napatunayan nga na flirt ang mga babae sa house b originals. Samantalang mga plastik naman ang mga lalaki sa house b originals.

Now we know kung sino ang dapat paniwalaan...

In my own observation... Sina Rica lang at Melai ang maaasahan.

Si Cathy, ewan ko ba, nakatungtong lang sa Finland.. Lumaki agad ang ulo.

Si Carol, she's just playing the game daw while in House A, well in fact, wala din syang kwenta pag dating sa House B.

Maliban sa 2 babae sa House A Originals, wala akong masabi sa House A, lalong lalo na ang mga lalaki. Sport na mga gwapo pa.

Di kagaya ni Rob, naisip nya dapat na naging magkaibigan din sila ng mga tao sa House A originals before sya napunta sa mala impyernong House B. Sabi nya daw na naging mas happy sya sa House B, kasi mga kauri nya yung mga nakatira dun. Freak!

Di kagayang Hermes, kulang nalang lahat patulan... Super Flirt... Pambansang Flirt ng Pilipinas...

Di kagaya ni Rocky... Ke bago bago, ang conceited ng taong to.. kala mo kung sinong gwapo. Sheman pala ah..!

Di kagaya ng inakala kong mabait na lalaki sa House B, demonyo din pala. Siya pa naman tong nakatatanda sa lahat. Sya pa ang naunang magdemean ng mga babae sa House A Originals na kasama nila ngayon. Kawawa naman sina Rica at Melai na laging pinupunterya nya...

Grrrr...

Hanggang sa susunod...

Saturday, October 10, 2009

Adore His True Presence


Hay naku mga ka kosa! Namiss ko itong movement na ito na... ADORE!!! Grupo sila ng mga nuns at iba pang marian movers na nagsusulong sa pagkaaware ng mga bata or even mga tanda kung gaano kahalaga ang DIYOS sa ating buhay...

Naexperience ko to nung highschool ako... sumama ako sa convention sa MANDAUE SPORTS COMPLEX. Doon ginanap ung Adore.

Infairness, napaiyak ang lola mo... at doon napag alaman ko at nalaman ko kung ano ba talaga AKO.

Halos mag PARI ang lola mo kasi nga nadadala sa mga emotions doon. Pero totoo talaga.. Ang sarap ng feeling ng mga ganun... surrender your wrath... ika nga nila...

Grabe.. Namiss ko din ang mga kasama ko noon... Ang akala kong kilala ko na sila dahil nga block section 1 kami. So 4 years din kaming nagkasama kaya akala ko... kilala ko na sila... but i was wrong...

Ang galing... ang akala ko mga taong NONSENSE... naging sensible.. ung mga tingin ko mga walang pakialam... meron pala... ang akala kong STIFF... parang foam sa pagkasoft...

Nagsilabasan lahat ng wrath namin... hindi ko alam na napaiyak na pala ako... ang galing... ang galing talaga..

Hinding hindi ko makakalimutan ang experience ko na ganun... indeed a moment worth keeping ito...


-toffy-

Tuesday, October 6, 2009

Koreanovela na naman?


Oooops! Hindi na sya si ARIANNE sa palabas na yan. Kaloka naman itong si ineng, palipat lipat ng channel. Sa Studio 23, sya si Arianne sa Koreanovelang Spring Waltz. Ngayon naman sa GMA7, tawag sa kanya ay si Yna sa Shining Inheritance. Ang totoong pangalan nya ay... Lee Seunggi.

Oo! Tama ka! Favorite ko na naman itong ibang klaseng Koreanovelang ito. As in, nakakaloka! Pero bongga! XD

Si Yna ay may isang kapatid na si Nono, kulang kulang ang bata. Namatay ang kanilang mama kaya ang papa nalang nila ang nag alaga. Kalaunan, nag asawa ulit ang papa nya, may anak din ang madrasta nya at yan ang babae na pinakauna sa picture (left) na syang magiging karibal nya sa puso ni Hwan.

Weee.... nakakaexcite talaga ang dramang ito...

Love it!

Tuesday, September 22, 2009

Spring Waltz vs. Cyberworld

Whew! Mahigit dalawang linggo din akong nawala sa cyberworld na to. Potek! 4 days in a row hindi ako mapakali kasi dahil gusto kong mag FB.

Namiss ko sobra ang cyberworld, kung saan napapahayag ko lahat ng mga saloobin ko. Grabe, nanghina ako... pero in fairness, mga 6 days onwards, nakalimutan ko ang cyberworld at tinuon ang mundo sa koreanovela sa studio 23.

I am really not a fan of korean dramas pero infairness dito sa story na ito, nakakarelate ako. lol

Ang haba talaga ng hair mo Arianne (girlaloo sa photo) pinag aagawan sya ng dalawang kalalakihan, nakakaloka.

Gusto ko na sanang mapanuod ng tuloy tuloy, pero sira ung tv ko, hindi makabitan ng dvd. grrrr...

Well anyways, hintay nalang ang lola mo every 12 noon sa studio 23. At excited na din ako sa mga palabas like PBB. ahehehehe...

Wednesday, September 9, 2009

Ang mga ayaw ko...!

Hate na hate ko ang mga taong nagpapanggap na mabuti sa harapan ko gaya nalang ni Slightly-OA na classmate ko noon. Pwe! Kala mo kung sino sya. Manigas sya.

Ayaw ko din sa taong mapapel. Hate ko yung mga taong di marunong mag appreciate gaya nalang sa taong papangalanan kong SUPER-STIFF. Oo nga naman pala, wala naman palang talent. Eh pano makakaappreciate? Bwahaahahaha..

Naloka din ako sa taong ito na pilit dinadrag ang sarili na maging close kami. Tawagin nalang natin xa sa pangalang TRYING-HARD-GEISHA? Nganga lang sah! ;)

Yan lang muna... ;)



-toffy-

Are you for REAL?


Whew! Yes mga kabagang, i just want you to know that i experienced being a POSER. Yes. That was the most horrible moment in my entire life.
It started when i browsed the internet and saw this hot guy. Napasabi ako "Damn! ang gwapo!!!" Sakto din kasi nagpaproject ang prof namin ng "Pano ang feeling ng maging sikat?" naisipan kong gumawa ng account gamit ang mukha ng gwapong mamang un.
Takte. Isang araw pa lang ng paglaunch ng profile may 20+ requests agad. Napanga nga nalang ang lola mo.
Para masagot ang tanong na SINUSUNOD BA TALAGA NG MGA TAO ANG MAY MGA MUKHA? Gumawa ako ng isang grupo. Doon nalaman ko at nasagot ang tanong na yun. Ginawa kong group pic ang pic ng mama at woooolaaah! ang daming sumali sa grupo.
Actually, nung kalaunan nagustuhan ko na ang pagiging POSER, nagkaroon ng connection. Yung parang gusto ko na na maging xa. Ung parang ganun na feeling.
Madaming nanghihingi ng number, binibigyan ko. Walang araw na hindi umabot ng 50 ang mga mensaheng natatanggap ko galing sa mga taong naniniwala na ako un.
Maraming naniwala kasi may taglay akong mag BRITISH Accent kuno. Kaya sa twing tatawag sila na stastunned daw sila dahil sa accent ko. Bongga naman ang lola mo. ;)
Kalaunan, umigting at naging maganda ang aming pagsasamahan. Umabot kami ng 2,000 group members at mga humigit kumulang 30 active members na nagcoconnect sa akin thru phone.
Basta, ang sarap palang maging gwapo. Lahat titingala sayo. Lahat minamahal ka. Lalong lalo na kapag ganun na attitude na binuilt ko ung attitude mo. Talented. Singer at dancer. Matalino. Deans lister.
haays. Dumating ang araw na kinatatakutan ko. Ang aminan.
Gumuho lahat... As in lahat.
Pati pag-aaral ko nakaapekto sa pangyayaring un. Nagcounselling ang lola mo.
-------
Ang hinding hindi ko makakalimutan eh ung nagkarelasyon ako sa isa sa mga members ko. Ewan ko. Sa lahat ng mga pagpapanggap na un, un lang ang totoo. Minahal ko xa ng buong buo. Isa sa mga dahilan kung bakit nag faint ako. haaayz...
Hanggang ngayon, chinicherish ko ung mga moment na nag uusap kami sa phone.
Mahal na mahal ko parin sya hanggang ngayon. Lalong lalo na kapag naririnig ko ang HALO.
-------
Sa pangyayaring ito, natuto akong maging matatag. Alam ko kasalanan ko lahat.
Sa lahat ng mga LIES ko, ito lang ang totoo, I LOVED THEM more than i could do.
-------
Sheesh! nagdrama na naman ang lola ninyo. ahehehehe... Hanggang sa susunod. ;D
--toffy--

Monday, September 7, 2009

Happy Birthday Ma!


Whew! Birthday mo ulet Mama Mary, hehehe..! Alam ko naman na imbes ikaw ung bigyan namin ng gift, kayo ang nagbibigay! Iba ka talagang nanay!

Sana... katulad mo mama ko...

Alam mo ba Mama Mary... sabik akong makita sila pero natatakot ako.. Rejections ang mga natanggap ko noon pa at natatakot ako na baka yun pa rin ang mangyari.

Hindi nila alam, kahit minsan stiff ako sa kanila, sa totoo lang, napapaiyak na lang ako sa pagka miss nila. Mahal na mahal ko sila. :(

Alam mo bang, wildest dream ko na makasama sila? Yung parang, kapag nangyari yun, pwede na ako kunin ni Lord God.

Minsan, iniimagine ko nalang ang sarili ko eating with them. Yung kumpleto kami.

Mama Mary... masama ba talaga akong tao? Hindi ba ako naging mabuting bata?

Feeling ko kasi salot talaga ako. Tama ang nanay... salot ako!

Sorry talaga Mama Mary sa mga nagawa kong di kaaya-aya ah. Pasensya na.. bata kasi! :) Basta... hiling ko lang na sana merong magandang mangyari sa kaarawan ko.

Mahal na mahal ko kayo Mama Mary at ni Lord God at ni Jesus at Joseph of course. Maraming salamat. Hanggang sa muli.



-toffy-

Kimi Dora: Kambal sa Kiyeme


I just watched this very funny star-studded na movie na ito, starred by my favorite comedienne Eugene Domingo.

This story is all about twins who attitudes are quite different.

Kimmy is the one who is so sushal at matalino. Ito namang si Dora ay ang medyo may pagka trisomy 21 but in fairness mabait.

Naloka ang lola nyo kasama ang kanyang friend na nanuod nito.

And in fairness to her, she has the potential becoming the Queen of Comedy, of course idol ko din si Ai-ai but there is something na meron si Eugene na hindi ko nakikita kay Ai-ai.

Ewan ko ba. Di ko din matanto kung ano ang meron sa babaeng ito. Mapa drama man o comedy natutuwa ako everytime nagpeperform sya. The best talaga.

Akala ko nga magiging flop itong pelikulang ito kasi first ever major role ng lola mong si Eugene, pero nagulat ang lola nyo, box office ito.

Star-studded, kasi nandun si Piolo Pascual, Vhong Navarro, Erik Santos, Zanjoe Marudo as love interest ni Kimmy at si Dingdong Dantes na love interest naman ng lola mong si Dora.

Infairness din sa production. Talagang pinaghandaan. Talagang bongga. Talagang mahal ang venue. Love it.

Sana magkaroon pa at patuloy na dadami pa ang mga pelikula ni Eugene Dominggo.

She really is one of a kind. ;)