Saturday, November 27, 2010

The PYRAMID Effect!

One night, I turned the pc of Ate Mayang trying to kill the boredom.
Time din iyon ng pagligo ko preparing for work.

Visited Facebook and Friendster.
Nakijoin sa pakikipagchismisan sa Twitter.
Lurking ChariceMania.
And watching some funny videos from YouTube.

Hanggang sa tumugtog ang PYRAMID by Charice.
Trip kong binuksan ang camera at nagvideo..
Take note, nakahubad ang lola mo.. x)
at..


INUPLOAD sa YouTube..


Dahil nga sa katuwaan lang, eh hindi ko na naisip na idelete o kung ano man..
I did not even expect that the views will reach a thousand or two.

But, my video reached Facebook. Some shared their thoughts about it.
And honestly, most of them were harsh and truculent.
Higit pa dun, mga PILIPINO din.
Hahahaha. Tinatawanan ko lang sila kasi wala naman akong magagawa..
We know na we cannot please everybody.

Ang mga ibang artista nga na mga magaganda at gwapo may mga haters.. Ako pa kaya?

Para sakin, wala lang yung mga comments na..
"Putang-ina mong bakla ka.. Mamatay ka na sana."
"Isa kang failure."
"You are so so so ugly."
"An ogre singing an ogre song."
atbp.

Ang sagot ko sa mga comments na yan..
"So what? Mamamatay ba ako sa mga comments nyo? Do you even know me?"

When I checked kung sino ang mga nag-like.. mostly mga taga ibang bansa..
Ang mga dislikes? Puro Pinoy. Hahaha.. Not new to me.
Yan lang naman ang alam natin diba mga PINOY? Ang manglait.

Hindi maganda ang boses ko pero mas mabuti na din ang ginawa kong pag parody..
At least, boses ko.

When you are going to check the other parodies, most of them are lip-synching lang.
At dahil may mga itsura, yun ang sinasabihang.. ''ANG GALING MO."
Eh.. Tanga ba kayo? Lip-synching lang sya.. Hahaha. Anyways..

Pero salamat na din sa panonood ng mga videos ko sa YouTube.
Ciao.



-Toffy-

Thursday, September 16, 2010

Ang Idol Kong Teacher: Part 3

Kagaya ng napagkasunduan, pinasukan ko ang subject ni Sir James. Ngunit hindi na kagaya ng dati na ibinuhos ko ang oras at talento sa kakaresearch at pagpapapapel sa mga discussions. Nakaupo lang ako sa isang gilid, kung anu-ano ang pinagkakaabalahan. Nanjan yung nang-iinis sa kaklase, nagdo-drawing ng mukha ng kung sinu-sino, lumalabas paminsan-minsan, o kayay natutulog. Kumbaga, taken for granted at respeto ko na lang sa napag-kasunduan. Pag may test, sina-submit ko kaagad ang test papers kahit walang laman, o drawing lang ng mukha ni Sir James ang nasa papel. Ang importante para sa akin ay di nya na ako iniipit, iniinsulto, pini-pressure. Higit sa lahat, hindi na rin nya ako pinapahiya sa harap ng klase. “Bakit pa ako magpapakahirap jan, e ipapasa din naman ako neto, dahil kung hindi, malaking eskandalo ang mapagpipyestahan sa campus na to. Hawak-hawak ko yata ang video clip na magpapatunay kung gaanu kagaling sumuso si Sir, hehehe... Sarappppp talaga ng buhay!” sambit ng utak kong naalipin ng kademonyohan.

Natapos na lang ang semester, ni hindi kami nag-papansinan. Ang hindi ko maintindihan ay ang nararamdaman ko. Oo, natuwa ako’t para akong ibong nakalaya sa bagsik ni Sir James, ngunit sa kabilang dako, parang may kaunting kirot din sa akin ang biglang pagbabago ng setup. Kung dati, sa akin nakatutok lahat ang attention ng buong klase at ako ang bida at iniidolo dahil sa pagiging palaban sa mga pang-aalaska ni Sir James, sa pagkakataong yun ay pakiwari koy biglang nawalan ng sigla ang mundo ko. Parang may malaking kulang... Na-miss ko ang kasiglahan ng klase, ang pagtatawanan nila at pagsasali sa mga argumentong nabuo dahil sa mga sagutan ng tanong at kontra-tanong namin ni Sir James. At ang higit na nagpapakirot sa dibdib ko ay ang lungkot sa mukha ni Sir. Ibang-iba na sya. Hindi na sya yung dating Sir na masayahin, buhay na buhay sa klase, at may ngiting nakakakahawa at nakakabighani. Nawala na ang dating sigla nya. Hindi ko rin alam kung bakit ganun ang nararamdaman ko sa sandaling makita ang malungkot nyang mukha. Paminsan-minsan, pumapasok na lang sya sa isip ko at napapatulala na lang bigla. Minsan naman, parang gustong-gusto ko syang makita. Ngunit binale-wala ko nalang. Nanaig pa rin sa akin ang pride sa nararamdamang tagumpay laban sa kanya. “Kaw kasi, hindi mo muna tiningnan kung sino’ng makakabangga mo” sabi ko sa sarili.


Nung bigayan na ng grades, tuwang-tuwa kong kinuha ang card at excited na excited. “Gaano kaya kataas ang grades na ibinigay ni Sir James sa akin? Flat 1.0 kaya? Hehehe” tanong ko sa sarili. Dahil kasama ko ang kaibigang si Ricky, pagmamayabang kong ibinigay sa kanya ang card. “Tol, basahin mo nga at ikaw na ang magsabi kung gaano kabait ni Sir James sakin. Ano dre, flat 1.0 ba ang grade ko sa kanya, ha?”


Nung tiningnan na ni Ricky ang card, laking gulat ko na lang ng, “Hahahahahaha! INC. Tol, INC! Ganyan kabait si Sir James sa iyo! Nasa line of one ang grades mo sa lahat ng mga subjects maliban sa kanya – incomplete, hahaha!”


Sa sobrang hiya ko, dali-dali kong tinalikuran si Ricky at deretsong pumunta sa Faculty Room. “Magtutuos tayo ngayon, Mr. James Cruz. Talagang gusto mo akong kalabanin ha? Sige...” ang sigaw ng utak kong nanggagalaiti.


Dinatnan ko si Sir James sa Faculty Room at nagliligpit ng mga personal na gamit, pansin ko ang sobrang lungkot sa kanyang mukha. “James! Don’t do this to me, ok! I attended your stupid class based on what we agreed, remember nung mag-inuman tayo? Why didn’t you comply with what we agreed? What did you do to my grade? Answer meee!!!” ang sigaw ko habang nasa pintuan palang ng Faculty Room, hindi alintana ang iba pang guro at madre sa paligid.


“Hey, hey! Let’s talk this over at the Conference Room, ok? Come follow me. ”Ang kalmante nyang sagot habang nagmamadaling lumabas patungong Conference Room. Sumunod ako.


Nung nasa loob na kami nang naka-lock na Conference Room, “Ok, Mr. Miller, you are free to scream or to hit me. Come on, give me your best shot!” ang pasigaw nyang sabi habang hinila pataas ang sleeves pagpapahiwatig na handa syang makipag-suntukan.


Mejo nag-init ang tenga ko sa inasta nyang yun kayat sinugod ko sya kaagad para paulanan ng suntuk ang mukha. Ngunit naunahan nyang puliputin ang isang braso ko na halos mawalan na ako ng ulirat sa tindi ng sakit habang ang isang braso nya ay ini-lock sa leeg ko. Halos hindi ako makakilos at makahinga. Nasa likuran ko sya, ang katawan namin ay nagkadikit. Hindi ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari at sa galing nya sa martial arts.


“Ok, Mr. Miller, you want to talk things over the easy way or the hard way?” ang matigas at pagalit nyang bulong sa tenga ko habang nasa ganun kaming tensionadong ayos, parehong habol-habol ang paghinga. Dahil sa idiniin nya ang bibig nya sa tenga ko, amoy an amoy ko ang hininga nya habang nagsasalita. Kahit ako nasa ganung katinding galit, bigla nalang pumasok sa isip ang nangyari sa flat nya nung malasing sya at umihi sa CR, nakasandal sa katawan ko. Yun nga lang, baligtad ang puesto namin dahil sya na ang nasa likod. Parang may sumundot na kiliti sa akin ang tagpong iyon at unti-unting nalusaw ang galit ko.


“Urkkk! James, pakawalan mo ako please... I’ll talk to you, I’ll talk to you!”


“Marunong ka naman palang mag-please. Ok, then let’s do it the easy way. Shoot your question!” Pinakawalan nga nya ako, naupo kami, magkaharap at nanggagalaiti sa galit ang titig nya sa akin.


“Why did you give me an INC?” ang tanong ko kaagad sa kanya.


“Ow, good question, Mr. Miller... and I’m dying to really hear that question from you. Sa tingin mo ba, kung ikaw ang nasa kalagayan ko at ako ang nasa iyo, would you give me a good grade? Pasalamat ka’t INC lang yun, not an outright failure...”


“Di ba ang usapan lang naman natin ay mag-attend ako sa subject mo?” ang mabilis kong sagot.


“Exactly! But remember Carl, hindi sinehan ang pinapasukan mo. It’s a damn class! And what do you expect to do in a stupid class? Siguro naman alam mo, di ba? Do I need to remind?”


Hindi ako nakapagsalita. Naisip ko na lang na kahit kailan, hindi ako nakakalusot sa mga katwiran niya. Palagi akong pinapahirapan, palagi nalang akong talunan.


Naisip ko ang cp at kinapa iyon sa bulsa ko. “OK... fine. Pero heto, may ipakita ako sa yo. Easy ka lang...” At pini-play ko nga ang video clip n akuha ko nung malasing sya at may nangyari sa amin sa flat niya. Tiningnan nya ito.


Ngunit hindi pa man natapos ang clip, “Ah, blackmail...? Ow come on, Carl, don’t be so hard on yourself. Alam mo, dapat magpakalalaki ka e. If you want to achieve something, then work hard for it. Napakaganda ng feeling kung ang isang bagay ay nakuha mo dahil pinaghirapan mo, o pinagpawisan. Napakadaming tao sa mundo na deprived sa mga bagay na nasa iyo na, naghirap, nag-invest ng dugo at pawis para lamang makamit ang mga kahit simpleng bagay na kagaya ng damilt o sapatos. Karamihan nga ay hindi na makapag-aral. May iba nga jan, hindi makakain kung hindi binibilad ang katawan sa araw o magbanat ng buto. Yung iba, ni hindi na iniisip ang ibang bagay na taken for granted na lang ng mga taong katulad mong spoiled brat dahil ang mas mahalaga sa kanila ay kung ano ang ilalagay na pagkain sa mesa. Yung iba nga e kahit mesa wala, at yung iba naman ay nakakatulog na lang na walang laman ang sikmura... Alam ko yan dahil isa ako sa kanila nung maliit pa ako, walang magulang lumaki sa hirap. Nagreklamo ba ako? Gumawa ba ako ng masama? Namblackmail ba ako? Hindi Carl. Bagkus, naging mas tumibay pa ang hangarin kong magsikap at magpursige… Ngunit ikaw, heto, blackmail ang puhunan sa isang napakaliit na bagay na kayang-kayang kamtin sa malinis na pamamaraan. Don’t you feel guilty and ashamed? Wow naman Mr. Miller... Na-experince mo na ba ang tinatawag nilang ‘peace of mind’ and ‘inner satisfaction’? O kaya’y kahit yun nalang sarap ng feeling sa pagkamit ng isang bagay na pinaghirapan at pinagpawisan? Itanong mo nga minsan yan sa sarili mo para magkaroon ka naman kahit papanu silbi sa mundo. Anyway, whatever you think makes you happy, then go for it; I don’t care a bit. At oo nga pala, today is my last day. I am leaving this school dahil... sasabihin nalang nating I failed as a teacher. May isang estudyante akong in the beginning I thought kaya kong baguhin ang baluktot na pananaw at gawing huwaran ng mga kabataan. Nagkamali ako sa challenge na iyon para sa sarili. I guess I was just too ambitious... Hindi ko alam kung saan pupunta after today but kaya ko namang mabuhay sa isang malinis na pamamaraan; na hindi gumagamit ng dahas, intimidation, o pambablackmail. Sanay ako sa hirap; sanay ako sa mabibigat na trabaho... Ang importante, wala akong tinatapakang tao, walang inaagrabyado o iniipit...” Nahinto sya ng saglit at binitiwan ang napakalalim na buntong-hininga. “Sayang lang ang lahat ng nasimulan ko dito... para sa mga estudyante. Anyway, I guess it’s goobye, Mr. Miller; nice meeting you here” dugtong nya sabay tayo at extend ng handshake. “By the way, a few words of advice: napaka-swerte mo sa buhay, Carl, I think it’s time for you to count your blessings, be happy with what you have, and be a positive contribution to the humankind.” Pahabol nyang sabi bago tuluyang lumabas ng conference room at isinara ang pinto.


Para akong napako sa pagkakaupo at sinampal ng maraming beses. Hiyang-hiya ako sa sarili, di malaman kung anong gagawin. Umuwi ako ng bahay na puno ng kalituhan, pagsisisi at panghihinayang. Di ko alam kung bakit ako nalulungkot at tumulo na lang ang luha. Siguro ay dahil sa mga sinabi nya na tumatagos sa puso at isipan ko, lalo na nung malaman kong galing din pala sya sa kahirapan, naghirap ang mama nya at nagbanat sya ng buto para lang makatulong sa pamilya at makamit ang tagumpay. At naalala ko ang Mom ko, ang mga paalala nya, ang mga pinagdaanan nyang hirap sa buhay sa pagkamatay ng Dad, ang mga paghihirap nya sa pagpapalaki sa akin, at ngayong heto ako, malaki na sana at imbes na tatayong katuwang at kakampi nya sa dinaanang hirap, ako pa itong nagdagdag-pahirap sa kanya, at binale-wala ang mga bagay na nakamtan at tinatamasa ko dahil sa pagsisikap nya. “Tama si Sir James... napakaganda ng mga sinasabi nya” ang bulong ko sa sarili.


Kinaumagahan, sinadya kong pumunta ulit ng school. Bulung-bulongan na ang pag-resign ni Sir James. Marami ang nanghihinayang. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko, at di maipaliwanag ang nararamdaman. Halos tumulo na ang luha ko nung maisipang puntahan ang Faculty Room at alamin kung umalis na ba talaga si Sir.


“Ay, Mr. Miller, I think he’s still on his way to the bus terminal papuntang airport...” ang sabi ng isang gurong napagtanungan ko.


Dali-dali akong pumuntang terminal. Hindi ako nahirapang hanapin si Sir James dahil pinapaligiran sya ng maraming mga estudyanteng nag send-off sa kanya sa terminal, yung iba ay umiiyak. Nung mapansin nilang nandun ako, nagbigay-daan sila para makalapit ako kay Sir. Ramdam ko sa mga tingin nila ang matinding galit nila sa akin.


Nung magkaharap na kami, lumakas ang kabog ng dibdib ko, at di malaman kung ano’ng sasabihin. Hiya, panghihinayang, lungkot at pagsisisi ang naghalong nararamdaman. Di ko rin maintindihan ang excitement na nadama nung makitang nakangiti sya sa akin. Parang gusto kong umiyak. “Hi James...” ang nasambit ko lang.


“Hi, Carl!” ang maigsi rin nyang tugon.


“E... Sorry nga pala sa lahat. Marami akong mga pagkakamali at hindi ko alam kung paanu mai-prove ang pagsisisi ko. Sana, nandito ka pa sa school. Dito, maraming nagmamahal sa iyo, marami ka na ring nagawa at nasimulan. At nahirapan akong patawarin ang sarili dahil sa pagiging dahilan ng iyong pag-alis. Hiyang-hiya ako sa iyo, sa mga estudyanteng nagmamahal sa iyo...” ang sabi ko, di malaman ang sunod pang sasabihin.


“Hahaha! Wag ka ngang mag-drama jan Carl. Wala na sa akin yun. Pinatawad na kita at masaya ako at nakapag-isipisip ka rin. At, tungkol jan sa pruweba na nagsisi ka, isa lang ang gusto kong gawin mo. Puntahan mo si Prof. Fuentes, nandun lahat ang instruction ko para sa iyo; kung ano ang dapat mong gawin para mabura ang INC mong grade. Pag ipinasa mo iyon ng maigi, maniniwala na talaga ako na nagsisisi ka na.”


“I’ll do it, James, thank you.”


“And I want your best, Carl. Show it to me!”


“Yes Sir!”


Nag-offer na sya ng shakehand dahil umandar na rin ang bus. Ngunit imbis na tanggapin ko ang kamay nya, niyakap ko sya ng mahigpit. Natawa nalang sya at tinugon nya na rin ang yakap ko. Nagpalakpakan ang mga estudyanteng kapaligid at nakatingin sa amin.


Habang papalayo na ang sinasakyan nya, binuksan nya ang bintana at pahabol syang sumigaw sa akin, “Hey, hindi nga pala tinanggap ang resignation ko!”


“Ha? Talaga?” ang sagot kong patakbong hinahabol ang bus. Hindi ko na rin narinig ang sagot pa nya at nag-gesticulate na lang syang parang ang ibig sabihin ay “Sa pagbalik na lang nya...”


Parang gusto kong maglulundag sa tuwa sa narinig kong pahabol nyang iyon. Itatanong ko pa sana kung bakit pa sya aalis kung hindi naman pala tinanggap ang resignation nya. Pero hinayaan ko nalang at napakalayo na ng bus. Ang mahalaga, hindi pa rin pala sya mawawala sa sunod na pasukan. At sa oras na iyon pa lang hindi ko na napigilan ang excitement an nadarama na makita syang muli, at maipakita sa kanya kung paano ko galingan ang task na ibinigay nya sa akin.


(Itutuloy)

Tuesday, September 14, 2010

Ang Idol Kong Teacher: Part 2

Ganda talaga ng story na ito. O! Ito na mga bekbek! Ang part 2 ng kwentong ito..

At sa mga taong hindi nakabasa sa unang part just CLICK HERE..

Enjoy reading mga ka beks!


---

Ang Idol Kong Teacher: Part 2


Dumating ang araw ng aming “pag-tutuos” ni Sir James. At pinaghandaan ko ang oras na yun. Sa suot kong puting t-shirt at jeans hanep na hanep ang dating. “Tingnan natin kung hindi ka sasakay sa plano ko sa iyo” sabi ng utak kung sinulsulan ng demonyo. Sinadya kong magpaporma talaga para sa okasyon na yun. At kasali sa planong yun ang pagdadala ng isang boteng imported na alak, pulutang setseria, kunyari pasalubong. Ngunit ang pinakabida sa lahat ay ang phone-camera ko.

“Good evening James” ang pag greet ko sa kanya nung binuksan na nya ang gate. Hindi na ako nag-Sir pa.

“Good evening din Carl!” sabi nyang nakangiti.

“Himala, nakangiti sa akin” sabi ko sa sarili. “A, heto pala, James may dala akong maiinom habang nag-uusap tayo. May pulutan na rin.”

Pumasok kami sa living room, kinuha nya ang dala kong alak at mga setseria at inilagay sa mesa. Maganda ang flat nya, tamang tama lang sa laki, may sariling CR at shower, kusina, living room at bedroom. May maliit din syang corner kung saan nakalagay ang mga personal nyang gym equipment. Maayos na maayos ang kwarto, malinis, masinop.

“Hindi ka na dapat nagdala pa neto Carl, di namam pakikipag-inuman ang pakay ko e. Tungkol sa attendance mo sa klase ang pag-uusapan natin, yun lang. At kung maari, ayaw kung uminom.”

“Yun na nga, eh... Sa ibang estudyante, nakikipag-bonding ka, nakikipag-biruan, sumasali sa mga kung anu-anong sosyalan. Pero sa akin iba ang pakikitungo mo... Ang labo mo naman, James. Ano ba talaga ang problema mo sa akin?” Sabi kong kalmante pa rin at pigil ang sariling hindi ipinahalata ang sama ng loob. “Kaya’t para hindi ako tuluyang magtampo, dapat lang na mag-bonding din tayo. Hindi ako makipag-usap sa iyo kung di ka nakikipag-inuman sakin. At dapat, maubos natin yang isang boteng alak na dala ko. Take it, or leave it.”

Kitang-kita ko sa mga mata nya ang pagkagulat. “Are you kidding? Yang buong bote na yan at tayong dalawa lang? Ang tindi mo rin pala sa inuman, no? Pero alam mo, Carl, itong pag-uusapan natin ay hindi naman para sa kapakanan ko e; ito‎’y tungkol sa iyo, para tulungan ka, mabigyan ng advice jan sa pinaggagawa mo. Dapat nga ikaw ang unang taong maghahabol ng solusyon dito dahil personal mong kapakanan ang nakataya...”

“Wow naman, James. Hanep din ang diskarte mo” ang sagot kong mejo tumaas na ang boses. “At wag mong kalimutan, di teacher ang pakikitungo ko sa iyo ngayon, ka-level lang tayo. And if it’s me that you want to talk about, or if it’s about your stupid subject, then I don’t care a bit. At tungkol jan sa sinabi mong pag-tulong?” pag-emphasize ko sa salitang ‘tulong’ “well, thanks, but, no thanks dahil, I don’t need your help, man. I don’t need your damn, fuckin help, ok?” Tinitigan ko sya ng matalas, tila nagbabanta. “Ngayon, does this mean I have to leave now?” at akmang tatalikod na sana.

“No, wait... OK, ok. Iinum ako, pero hanggang kalahating bote lang tayo. Pwede na ba yun?”

“Deal!” sabi ko sa kanyang mejo nasiyahan. “Yun naman pala e...” bulong ng isip kong nasiyahan na rin sa sagot nya.

At nag-inuman nga kami, tagay system, yung iisa lang ang basong gamit at iikot sa aming dalawa ang tagay. Walang usapan, puro pakiramdaman lang, nagbabasa sya ng libro habang kuntento na ako sa pagsisigarilyo. Basta ang target ay makaubos ng hanggang kalahati ng bote at dun pa kami magsimulang mag-usap sa tungkol sa ano mang gusto nyang pag-usapan.

Nakailang tagay din kami nung sadyang tanggalin ko ang t-shirt. “Mainit, sensya ka na James...”

Hindi sya kumibo. Hindi ko alam kung anong nasa isip nya ngunit tinanggal din nya ang t-shirt nya. Mejo na-appreciate ko rin ang ganda ng upper body ni Sir, kumbaga sculpted from chest hanggang sa abs at oblique muscles. Ngunit hindi na ako nagtaka dahil sa nakita kong personal mini-gym nya, sigurado akong nagwo-work out sya palagi.

“Disgrasya ka ngayon...” bulong ko sa sarili sabay bitiw ng pilyong ngiti. Maya-maya, nung mag-init na ang pakiramdam tumayo ako’t sumayaw-sayaw na parang macho-dancer, ina-unbuckle ang belt at tinanggal ang dalawang upper buttons ng fly at sadyang ibinababa ng konti ang jeans para lilitaw ang puting garter ng brief.

“Wala bang music?” tanong ko. Pagpaparamdam na nabo-bored sa sitwasyon naming walang imikan.

Pinatugtog nya ang isang mellow music na lalong nagpapalakas ng loob kong mag-tease. Tiningnan lang nya ako at pinagpatuloy na ang pagbabasa, napailing-iling.

“Tingnan na lang natin kung iiling-iling ka pa rin mamaya” ang pagbabanta ng utak ko.

Eksaktong kalahati na ng bote ang naubos namin nung inilatag na ni Sir sa mesa ang aklat na binabasa. “O, siguro naman pwedi na tayong mag-usap...” sabi nya habang nakatutok sa akin ang mapupungay na mata dala ng pag-epekto na ng alak.

Umupo ako sa harap ng inupuan nya. Gusto kong matawa dahil sa pagkabilis nyang malasing, palibhasa, hindi sanay. “Heto yung taong hinahangaan, tinitingala, minahal, at iniidolo ng mga estudyante ngunit nandito sa harap ko, halos isang sapak ko lang at mawalan na ng ulirat.” sabi ko sa sarili. Tinitigan kong maigi si Sir James. Kahit nanggagalaiti ako sa galit, napansin ko rin ang napaka-attractive nyang mukha. In fairness, makinis; may magandang hugis ng mata at kilay, may matungis na ilong at mamumula-mulang mga labi, makapal na mejo wavy na buhok. No wonder na madami ding nalolokang babaeng estudyante sa kanya dahil sa hayup nyang porma.

Nasa ganun akong paghanga ng sumigaw si Sir James. Dahil sa kalasingan, animoy bata itong, “Hoy, Carl, hindi ka naman nakinig eh…!”

“OK lang James, magsalita ka...” ang sabi ko habang pinagmasdan na lang ang bawat galaw nya. Ibayong pagmamalaki sa sarili ang nadama; ako hindi pa halos tinablan sa nainum habang si Sir James ay mukhang bibigay na. At tila nagtatalon na sa galak na nademonyong isip sa nakikinitang palapit na katuparan sa maitim na balak.

Tumungga ulit ako ng tagay, at isa pa. “O, gusto mo pa?” sabi kong sabay offer ng isang basong tagay sa kanya.

“OK, sige...” tinungga nya ang tagay. Tinagayan ko pa, at ulit tinungga iyon. Nakailang ulit din syang tumungga…

Lasing na lasing na sya nung magpuntang CR para umihi, halos di na na makatayo. Nasa bungad pa lang ng CR nung mapansin kong maduduwal na kayat takbo kaagad ako para alalayan sya. Nasa likuran nya ako at akap-akap sya. Di ko maintindihan ang naramdaman habang naglapat ang aming mga hubad at pawisang pang-itaas na katawan. May kiliting dumaloy sa buong katawan ko habang bumubundol-bundol naman ang harapan ko sa likuran nya. Namalayan ko na lang na tumigas ang pagkalalaki ko.

Nasa ganung ayos kami nung mapansin kong parang nahirapan syang i-unbuckle ang belt upang buksan ang fly. Kayat habang nakasandal sya sa akin, ibinaba ko ang mga kamay kong naka-akap sa chest area nya at ako an mismo ang nag-unbuckle ng belt at nagbukas ng fly. Ako na rin ang naghugot ng ari nya. Dahil sa tinigasan si Sir, sumagi ito sa brief nya. Hinawakan ko iyon at isenentro sa toilet bowl ang bagsak ng kanyang ihi.

“Tangna! Para akong nag-assit ng isang disabled neto” sabi kong di maintindihan kung matatawa o maiinis. Parang nakuryente ako sa ginawa kong iyon. Sa buong buhay ko, nun lang ako nakahawak ng ari ng iba – at sa tao pang kinaiinisan ko.

Nung matapos na syang umihi, hindi sya kumilos, nakasandal lang sa akin, marahil dahil sa hilo; ang dalawa nyang kamay ay naka laylay lang sa giliran, aka-akap ng isa kong kamay ang chest area nya habang ang isa kong kamay naman ay hawak-hawak pa rin ang kumikislot-kislot nyang ari.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa hindi maipaliwanang na naramdaman sa eksenang iyon. Hanggang sa gumalaw ang mga kamay ni Sir at siya na mismo ang nagsiksik ng ari nya pabalik sa loob ng brief.

Mukhang nahimasmasan na sya ng konti at hinayaan ko na lang din syang mag-isang maglakad pabalik sa sala.

“Arggggghhhhhh! Shitttt!” sambit ng isipan ko habang pinagmasdan syang paika-ika, di malaman kung bubugbugin sya o mainis sa sarili dahil sa imbis na galit at paghiganti, ay may sumisingit na kung anong awa o kiliti ang nadarama sa naudlot an eksena.

Nakaupo na sya nung bumalik ako sa inuupuan ko paharap sa kanya. “OK ka lang?” tanong ko.

“OK lang. Salamat... nahihiya ako sa iyo.” sabi nyang parang hirap sa pagsalita dahil sa kalasingan.

“OK lang yun, James, pareho naman tayong lalaki, e.” Sabi ko. “Balik pala tayo dun sa dahilan ng pagpapatawag mo sa akin, ano nga ulit yun? Sige, makikinig na ako dahil tinupad mo naman ang hiningi kong kundisyon at halos maubos na nga natin tong alak e.”

“Gusto ko lang naman... bumalik ka sa klase ko eh. Sayang naman ang galing mo kung di mo ipasa ang subject ko... yun lang ang gusto ko, simpleng bagay lang.”

“Ah, yun lang ba? Chicken. Ok, papasukan ko ang subject mo pero sa isang kundisyon.”

“Ano na naman yang kundisoyn na yan? Putsa, andami mong kundisyon din no?” sabi nyang sabay kamot sa ulo na parang batang nakukulitan.

“Makikipag-sex ka sa akin.”

Animoy nataranta sya’t biglang humupa ang kalasingan, di makapaniwala sa narinig. Napailing-iling at binitiwan ang pilit an ngiti habang ang mapupungay na mga matang dala ng kalasingan ay nakatutok sa akin. “Shittt! Tell me you are kidding, Carl.”

“No, I’m not James!”

Tinitigan nya ako. Nag-isip. “Di ko kaya, Carl...”

“Di mo kaya dahil estudyante mo ako o dahil ayaw mo lang talaga?”

“What is the point?” tanong nya.

“Just answer my question. Papasukan ko ba ang klase mo o hindi?”

“OK, ok. Bago ko sagutin ang tanong mong yan, tanong ko lang din. Ikaw ba, gusto mo rin ba talagang gawin ito with me, o may gusto ka lang patunayan?”

Nag-isip ako. “Halimbawang ang sagot ko ay dahil gusto ko lang na may mapatunayan...?”

“Sa akin? O sa sarili mo? Is this an experiment, or a test?” bilis nyang pag follow-up.

Natulala ako sa sagot nyang yun. Hindi ko akalaing sa kabila ng kalasingan nya ay magawa pa nyang ma-corner ako. Hindi ako nakaimik.

“Carl, sasabihin ko to sa yo: alam kong matalino ka, at naamoy ko, nilalaro mo lang ako e. Magaling ka, kaya espesyal ka sa akin, alam mo ba yun? Dahil ibang-iba ka sa lahat ng mga naging estudyante ko. Kumbaga, there is special and interesting about you. But don’t get me wrong; it’s not your looks; it’s your intelligence and the way you look at things, sa age mong yan. At nalulungkot ako dahil sa kabila ng talino mo, you are misdirecting it, stifling its full potential, and in the process heading yourself to self destruction. Nanghihinayang ako. You are a genius, but with the mindset of an idiot. How to correct that mindset is a great challenge for me bilang guro mo. Maaring masama ang loob mo sa akin sa approach ko sa iyo; but I got to do what I think is right. At alam ko, you want to resist and make your own game plan. Ngayon, kung kasali sa game plan mo ang kundisyon na makikipag sex ako sa yo para lang pumasok ka sa klase ko, sige, sasakyan kita jan. But I got my game plan too. And in the end, let us see whose game plan succeeds...” Tumayo sya at kahit groggy, tuluyang hinatak pababa sa sahig ang kanyang jeans at brief.

Mejo tinamaan ako sa sinabing yun ni Sir James. Hindi ko akalaing masabi nya na ako ay espesyal. Hindi ko lang maintindihan at matanggap kung bakit ganun ang approach at pagtrato nya sa akin. Alam kong sa talino at husay ni Sir James bilang isang guro, may malalim syang ibig sabihin at ipinahiwatig. Para akong natauhan at nagdadalawang-isip kung ituloy pa ang binabalak.

Nung makita ko ang biglang paghubad niya ng lahat ng saplot sa harap ko, may ibang kiliti akong naramdaman at tila nabura din bigla lahat sa isipan ang mga katagang binitawan nya tungkol sa akin. Lalo akong humaga sa ganda ng porma ng katawang hunk na hunk ang dating.

Nilapitan ako ni Sir, hinawakan sa kamay, pinatayo at sya na mismo ang nagtanggal ng jeans at brief ko. Biglang gumapang sa buong katawan ko ang sarap na hindi maipaliwanang. At naramdaman ko na lang ang pagtigas ng aking pagkalalaki. Hinalikan ako ni Sir sa bibig, nagdikit ang aming mga katawan. Para kaming nagsasayaw, nagyayakapan, nagkiskisan ang mga dila habang ang mga ungol ay nagingibabaw sa buong kwarto at katahimikan ng gabi. Hanggang sa tuluyan naming naipalabas ang init ng aming mga katawan at bugso ng pagnanasa.

Nung mahimasmasan, hindi ako makapaniwalang nagawa ko ang bagay na iyon. Nalilito, binabagabag ng maraming katanungan ang isipan.

Tiningnan ko si Sir an nakatihaya sa kama. Sa sobang kalasingan, tila walang buhay at walang kamalay-malay sa mga pangyayari. “Maalala kaya nya ang pianggagawa at ang nangyari sa amin sa gabing iyon” tanong ng isip ko.

Ngunit hindi ko na pinapahalagahan pang malaman ang kasagutan. Ang importante sa akin, ay nagtagumpay ako sa aking misyon: ang sikretong makunan ng video clip ang eksenang naglabas-masok sa bibig ni Sir James ang pagkalalaki ko, na sya kong gagamitin sa plano kong pag-blackmail sa kanya...

(Itutuloy)