Tuesday, September 22, 2009

Spring Waltz vs. Cyberworld

Whew! Mahigit dalawang linggo din akong nawala sa cyberworld na to. Potek! 4 days in a row hindi ako mapakali kasi dahil gusto kong mag FB.

Namiss ko sobra ang cyberworld, kung saan napapahayag ko lahat ng mga saloobin ko. Grabe, nanghina ako... pero in fairness, mga 6 days onwards, nakalimutan ko ang cyberworld at tinuon ang mundo sa koreanovela sa studio 23.

I am really not a fan of korean dramas pero infairness dito sa story na ito, nakakarelate ako. lol

Ang haba talaga ng hair mo Arianne (girlaloo sa photo) pinag aagawan sya ng dalawang kalalakihan, nakakaloka.

Gusto ko na sanang mapanuod ng tuloy tuloy, pero sira ung tv ko, hindi makabitan ng dvd. grrrr...

Well anyways, hintay nalang ang lola mo every 12 noon sa studio 23. At excited na din ako sa mga palabas like PBB. ahehehehe...

Wednesday, September 9, 2009

Ang mga ayaw ko...!

Hate na hate ko ang mga taong nagpapanggap na mabuti sa harapan ko gaya nalang ni Slightly-OA na classmate ko noon. Pwe! Kala mo kung sino sya. Manigas sya.

Ayaw ko din sa taong mapapel. Hate ko yung mga taong di marunong mag appreciate gaya nalang sa taong papangalanan kong SUPER-STIFF. Oo nga naman pala, wala naman palang talent. Eh pano makakaappreciate? Bwahaahahaha..

Naloka din ako sa taong ito na pilit dinadrag ang sarili na maging close kami. Tawagin nalang natin xa sa pangalang TRYING-HARD-GEISHA? Nganga lang sah! ;)

Yan lang muna... ;)



-toffy-

Are you for REAL?


Whew! Yes mga kabagang, i just want you to know that i experienced being a POSER. Yes. That was the most horrible moment in my entire life.
It started when i browsed the internet and saw this hot guy. Napasabi ako "Damn! ang gwapo!!!" Sakto din kasi nagpaproject ang prof namin ng "Pano ang feeling ng maging sikat?" naisipan kong gumawa ng account gamit ang mukha ng gwapong mamang un.
Takte. Isang araw pa lang ng paglaunch ng profile may 20+ requests agad. Napanga nga nalang ang lola mo.
Para masagot ang tanong na SINUSUNOD BA TALAGA NG MGA TAO ANG MAY MGA MUKHA? Gumawa ako ng isang grupo. Doon nalaman ko at nasagot ang tanong na yun. Ginawa kong group pic ang pic ng mama at woooolaaah! ang daming sumali sa grupo.
Actually, nung kalaunan nagustuhan ko na ang pagiging POSER, nagkaroon ng connection. Yung parang gusto ko na na maging xa. Ung parang ganun na feeling.
Madaming nanghihingi ng number, binibigyan ko. Walang araw na hindi umabot ng 50 ang mga mensaheng natatanggap ko galing sa mga taong naniniwala na ako un.
Maraming naniwala kasi may taglay akong mag BRITISH Accent kuno. Kaya sa twing tatawag sila na stastunned daw sila dahil sa accent ko. Bongga naman ang lola mo. ;)
Kalaunan, umigting at naging maganda ang aming pagsasamahan. Umabot kami ng 2,000 group members at mga humigit kumulang 30 active members na nagcoconnect sa akin thru phone.
Basta, ang sarap palang maging gwapo. Lahat titingala sayo. Lahat minamahal ka. Lalong lalo na kapag ganun na attitude na binuilt ko ung attitude mo. Talented. Singer at dancer. Matalino. Deans lister.
haays. Dumating ang araw na kinatatakutan ko. Ang aminan.
Gumuho lahat... As in lahat.
Pati pag-aaral ko nakaapekto sa pangyayaring un. Nagcounselling ang lola mo.
-------
Ang hinding hindi ko makakalimutan eh ung nagkarelasyon ako sa isa sa mga members ko. Ewan ko. Sa lahat ng mga pagpapanggap na un, un lang ang totoo. Minahal ko xa ng buong buo. Isa sa mga dahilan kung bakit nag faint ako. haaayz...
Hanggang ngayon, chinicherish ko ung mga moment na nag uusap kami sa phone.
Mahal na mahal ko parin sya hanggang ngayon. Lalong lalo na kapag naririnig ko ang HALO.
-------
Sa pangyayaring ito, natuto akong maging matatag. Alam ko kasalanan ko lahat.
Sa lahat ng mga LIES ko, ito lang ang totoo, I LOVED THEM more than i could do.
-------
Sheesh! nagdrama na naman ang lola ninyo. ahehehehe... Hanggang sa susunod. ;D
--toffy--

Monday, September 7, 2009

Happy Birthday Ma!


Whew! Birthday mo ulet Mama Mary, hehehe..! Alam ko naman na imbes ikaw ung bigyan namin ng gift, kayo ang nagbibigay! Iba ka talagang nanay!

Sana... katulad mo mama ko...

Alam mo ba Mama Mary... sabik akong makita sila pero natatakot ako.. Rejections ang mga natanggap ko noon pa at natatakot ako na baka yun pa rin ang mangyari.

Hindi nila alam, kahit minsan stiff ako sa kanila, sa totoo lang, napapaiyak na lang ako sa pagka miss nila. Mahal na mahal ko sila. :(

Alam mo bang, wildest dream ko na makasama sila? Yung parang, kapag nangyari yun, pwede na ako kunin ni Lord God.

Minsan, iniimagine ko nalang ang sarili ko eating with them. Yung kumpleto kami.

Mama Mary... masama ba talaga akong tao? Hindi ba ako naging mabuting bata?

Feeling ko kasi salot talaga ako. Tama ang nanay... salot ako!

Sorry talaga Mama Mary sa mga nagawa kong di kaaya-aya ah. Pasensya na.. bata kasi! :) Basta... hiling ko lang na sana merong magandang mangyari sa kaarawan ko.

Mahal na mahal ko kayo Mama Mary at ni Lord God at ni Jesus at Joseph of course. Maraming salamat. Hanggang sa muli.



-toffy-

Kimi Dora: Kambal sa Kiyeme


I just watched this very funny star-studded na movie na ito, starred by my favorite comedienne Eugene Domingo.

This story is all about twins who attitudes are quite different.

Kimmy is the one who is so sushal at matalino. Ito namang si Dora ay ang medyo may pagka trisomy 21 but in fairness mabait.

Naloka ang lola nyo kasama ang kanyang friend na nanuod nito.

And in fairness to her, she has the potential becoming the Queen of Comedy, of course idol ko din si Ai-ai but there is something na meron si Eugene na hindi ko nakikita kay Ai-ai.

Ewan ko ba. Di ko din matanto kung ano ang meron sa babaeng ito. Mapa drama man o comedy natutuwa ako everytime nagpeperform sya. The best talaga.

Akala ko nga magiging flop itong pelikulang ito kasi first ever major role ng lola mong si Eugene, pero nagulat ang lola nyo, box office ito.

Star-studded, kasi nandun si Piolo Pascual, Vhong Navarro, Erik Santos, Zanjoe Marudo as love interest ni Kimmy at si Dingdong Dantes na love interest naman ng lola mong si Dora.

Infairness din sa production. Talagang pinaghandaan. Talagang bongga. Talagang mahal ang venue. Love it.

Sana magkaroon pa at patuloy na dadami pa ang mga pelikula ni Eugene Dominggo.

She really is one of a kind. ;)