
Whew! Birthday mo ulet Mama Mary, hehehe..! Alam ko naman na imbes ikaw ung bigyan namin ng gift, kayo ang nagbibigay! Iba ka talagang nanay!
Sana... katulad mo mama ko...
Alam mo ba Mama Mary... sabik akong makita sila pero natatakot ako.. Rejections ang mga natanggap ko noon pa at natatakot ako na baka yun pa rin ang mangyari.
Hindi nila alam, kahit minsan stiff ako sa kanila, sa totoo lang, napapaiyak na lang ako sa pagka miss nila. Mahal na mahal ko sila. :(
Alam mo bang, wildest dream ko na makasama sila? Yung parang, kapag nangyari yun, pwede na ako kunin ni Lord God.
Minsan, iniimagine ko nalang ang sarili ko eating with them. Yung kumpleto kami.
Mama Mary... masama ba talaga akong tao? Hindi ba ako naging mabuting bata?
Feeling ko kasi salot talaga ako. Tama ang nanay... salot ako!
Sorry talaga Mama Mary sa mga nagawa kong di kaaya-aya ah. Pasensya na.. bata kasi! :) Basta... hiling ko lang na sana merong magandang mangyari sa kaarawan ko.
Mahal na mahal ko kayo Mama Mary at ni Lord God at ni Jesus at Joseph of course. Maraming salamat. Hanggang sa muli.
-toffy-
No comments:
Post a Comment